Miyerkules, Nobyembre 16, 2016
Ang aking Repleksyon sa "Mensahe ng Butil ng Kape"
Alam naman natin na mahirap mamuhay sa mundo natin kung saan iba't-ibang problema o pagsubok ang atinkinakaharap ngunit sa mga pagsubok na iyon doon natin naipapakita ang lakas ng atin pagkatao at pagiging matatag sa bawat oras na kinakailangan natin, gaya ng kuwentong ito. Maihahalintulad ko ang akin buhay sa kuwento ng "Mensahe ng Butil ng Kape", dahil sa dami man ng pagsubok ang dumating sa akin buhay na minsan parang gusto mo nang sukuan ngunit kailangan pa natin ng lakas ng loob upang hindi mahantong sa wala ang lahat ng paghihirap na nangyari sa atin buhay. Nung una para akong isang carrot na sa una lang malakas, ngunit sa huli parang bigla na lang lumambot ng dumating ang mga problema subalit sa pagsubok na iyon ay muli akong bumangon at naging malaks dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ko na sumusuporta sa akin. Kung ako naman ay magiging isang buti ng kape magiging matatag ako sa mga pagsubok na darating sa akin buhay. Higit sa lahat ako mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid ko. At maaari mo rin naman akong ihalintulad sa itlog na may kabutihan puso na hindi lamang sa basta pakitang-tao. Ako ang isang taong may kabutihan puso kahit na ang nasa paligid ko ay hindi ako pinahahalagahan. Kaya bilang isang carrot, itlog, o buti ng kape ako ay ang isang tao na puno ng kalakasan, tatag ng loob at may kabutihan puso na hindi kinakailangan ng sapilitan upang magkaroon ng kaibigan. Dahil din sa pagiging matatag dito sa mundo dito ko naipapakita kung sino ba talaga ako bialang isang tao dito sa mundong akin ginagalawan na kung saan kinakailangan kong maging isang matatag sa anuman pagsubok ang dumating sa akin buhay.
Ang Buod ng "Mensahe ng Butil ng Kape"
Habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kanyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa sa kanyang anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina. Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at sakaisinalang sa apoy. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig . Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay ang itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok. "Sa tingi mo ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?" Damhin mo ang mga ito, "Ano ang iyong napuna ?" Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga. Higupin mo ang kape. Nagsimulang magpaliwanag ang amatungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog, at buti ng kape. Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina ? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nagbago ng init ng kumukulong tubig ? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig ? kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig. Kung ikaw ay tulad ng butin ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo. Kaya anak, ikaw ba ay carrot, itlog , o butil ng kape ?Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon "ako ay magiging butil ng kape ..." katulad mo mahal na ama.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)