Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Ang aking Repleksyon sa "Mensahe ng Butil ng Kape"

Alam naman natin na mahirap mamuhay sa mundo natin kung saan iba't-ibang problema o pagsubok ang atinkinakaharap ngunit sa mga pagsubok na iyon doon natin naipapakita ang lakas ng atin pagkatao at pagiging matatag sa bawat oras na kinakailangan natin, gaya ng kuwentong ito. Maihahalintulad ko ang akin buhay sa kuwento ng "Mensahe ng Butil ng Kape", dahil sa dami man ng pagsubok ang dumating sa akin buhay na minsan parang gusto mo nang sukuan ngunit kailangan pa natin ng lakas ng loob upang hindi mahantong sa wala ang lahat ng paghihirap na nangyari sa atin buhay. Nung una para akong isang carrot na sa una lang malakas, ngunit sa huli parang bigla na lang lumambot ng dumating ang mga problema subalit sa pagsubok na iyon ay muli akong bumangon at naging malaks dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ko na sumusuporta sa akin. Kung ako naman ay magiging isang buti ng kape magiging matatag ako sa mga pagsubok na darating sa akin buhay. Higit sa lahat ako mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid ko. At maaari mo rin naman akong ihalintulad sa itlog na may kabutihan puso na hindi lamang sa basta pakitang-tao. Ako ang isang taong may kabutihan puso kahit na ang nasa paligid ko ay hindi ako pinahahalagahan. Kaya bilang isang carrot, itlog, o buti ng kape ako ay ang isang tao na puno ng kalakasan, tatag ng loob at may kabutihan puso na hindi kinakailangan ng sapilitan upang magkaroon ng kaibigan. Dahil din sa pagiging matatag dito sa mundo dito ko naipapakita kung sino ba talaga ako bialang isang tao dito sa mundong akin ginagalawan na kung saan kinakailangan kong maging isang matatag sa anuman pagsubok ang dumating sa akin buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento